Wednesday, December 7, 2011

Maling Akala

Tagalog mode ulit, hindi pa nare-replenish ang English ko. Haay, badtrip! Naistorbo na naman ng kapitbahay namin ang mahimbing kong tulog. Ang aga-aga nagvi-videoke na! -_-; Siguro may birthday ngayon sa kanila. Sana naman maaga silang matapos mamaya kasi maaga na nga silang nagsimula. Anyway, let's hit the topic na.

Maling akala - maraming nabibiktima n'yan, lalo 'pag hindi ka masyadong nag-iisip. Hahaha. Karaniwan sa mga maling akala ay yung mga natutunan natin ay yung mga na-experience natin nung bata pa tayo. For example, yung kisses, nanganganak daw. Basta daw ilagay mo sa lalagyan na may bulak at nakatago, preferably sa mga drawer at cabinet daw . Kung gusto mong ipagyabang sa school ilagay mo sa pencil case. For best results, haluan daw ng polbo or alcohol. Haha. Nabiktima din ako nito. Tsk. Sino nga ba'ng nagpauso nito? At ang tanong, nanganganak nga ba? Sabi nung iba kong classmates oo daw, malamang nagpapayabangan lang yung mga yun. Yung akin nga hindi dumami eh! Sinunod ko naman lahat ng instructions.

Aroma/fragrance beads a.k.a "Kisses"
At isa pa, humahaba daw ang buhok ng Barbie kapag ginugupitan. Yung sakin nakalbo na kakagupit. :|

S'yempre, di ko makakalimutan 'to:
May lalabas na train/eroplano/whatever sa sugat mo pag ginalaw mo.
LOL. Ang sarap maging bata ulit. ^_^

Pero habang tumatanda tayo, nagiging seryoso na ang mga epekto ng mga maling akala. Madalas, di mo aakalaing ikaw ay magaakala ng mga maling akala. :D

#1 na malaking akala - "Akala ko gusto n'ya din ako eh."
Oo, maging optimistic ka. Pero 'wag kang feeler. Hahahaha. Hindi porket lagi ka n'yang sinesendan ng banat/love quotes eh ibig sabihin type ka n'ya. Malay mo GM lang yon. Lalo na sa FB, madami ng nangyaring ganyan. Nag-like or nagcomment lang s'ya status mo na para/patama sa kanya ibig sabihin nagets na n'ya ang nais mong iparating. Baka naka-relate lang s'ya di ba? O kaya ganado lang s'ya magpipindot at magtatype.
*Sorry pessimistic lang talaga ako

#2 - "Akala ko maganda/masarap/effective eh, etc... (blah-blah-blah)"
Simply means, na-disappoint ka. Madalas ko tong nae-experience, lalo na sa pagkain. Dahil nga isa akong gourmand, kapag kayang i-afford eh ita-try ko yung pagkain. Di na ko magbabanggit ng brand/resto,etc. baka mademanda ako eh. Haha. Basta yun na yun. Ganon din ang expression ko lalo sa mga products na bibilin ko tulad ng nose pore strips. Maalis daw lahat ng black/whiteheads sa ilong mo. Sinungaling, konti nga lang naalis eh. Gagastos ka para magpa-facial na sobrang sakit, hindi ko talaga mapigilang wag maiyak.

Norwegian Wood, Japanese movie
Isa pa 'to, akala ko maganda. Di ko talaga nagets ang story, ang gulo. Tas nakatulog pa ako. Di ko alam kung sino talaga ang magka-partner dito. Baka akala pa ng kapitbahay nanood ako ng porn. Tsk. Ang mura kong isipan -_-

'Yun lang, tama na. Wala na kong maisip. LOL

1 comment:

  1. Nakakamatay ang MALING AKALA... Nkakamatay ng KATINUAN!(",)
    http://splittingmythoughtsinto2.blogspot.com/

    ReplyDelete