Tuesday, December 6, 2011

Ang Pusa, Bow!

Paano ko ba sasabihin? Ito ang unang Tagalog post ko, naubusan na kasi ako ng English. Akala ko unlimited eh. Tulad ng mga nauna kong post, nonsense din ang isang to. So, kung may importante kang gagawin, wag ka nang mag-aksaya ng oras para basahin to. Pero kung tambay ka lang din na katulad ko, sige try mong pagtyagaan.

Puyat na naman ako, kakaisip, kakaisip ng kung ano-ano. Mahirap talaga 'pag nakaugalian mong mag-daydream, kahit gabi na ginagawa mo pa rin.

Haay. Naisip ko lang, ang hirap magpaamo ng pusa. Oo, napakahirap lalo na pag pusang kalye, yung tipong tignan mo lang tatakbo na bigla. Pero kahit ganon, gusto ko pa rin silang hinahabol, lalo na yung mga sobrang cute at taba. Madalas, hindi ko sila naabutan, syempre pusa yon, mabilis tumakbo at kayang umakyat kung san-san. Teka, sinabi kong ninja ako di ba? Kalokohan lang yon.

Mas gusto ko ang mga pusa kaysa sa aso. Nakakairita kasi ang mga aso, laging nakabuntot at nakadepende sayo. Mamamatay sila kapag hindi mo pinakain, hindi katulad ng mga pusa na kayang humanap ng pagkain sa sarili nila. Saka yung aso, mahilig manghabol, yung pusa, ikaw ang hahabol. Kumbaga, pag napagod ka ng habulin ito, pwede kang tumigil na lang. Pero kapag ikaw ang hinahabol, no choice na kailangan mong tumakbo para hindi maabutan. Ano'ng connect? -_-

Ngunit, sapagkat, datapuwa't, hindi lahat ng pusa ay mailap. Meron kang matatagpuan na maamo, sila pa mismo ang unang lalapit sayo at maglalambing. Tulad na lang nung pusa sa Barj, bigla mo na lang mararamdaman na may humihimas sa binti mo. Sabi nila sign of affection daw ng mga pusa yun, pero hindi. Sign yun na pag-aari ka nila 'pag ginagawa nila 'yun.

Naalala ko yung unang pusang napaamo ko, sobrang ilap n'ya. Bago 'ko makalapit sa kanya ilang kalmot at kagat ang natamo ko. Buti nga hindi ako nagka-rabies. Minsan mahirap din s'yang pakainin, di naman sa choosy s'ya sa pagkain, siguro di pa n'ya ko pinagkakatiwalaan. Di rin nagtagal naging alaga ko s'ya at madalas na s'yang umuuwi sa bahay. Kaya lang, dumating ang panahon na nalagutan s'ya ng hininga. T_T

Malungkot, akala ko hindi na ako makakalimot (oha, pwedeng pang fliptop). Sabi nila, time heals the wounds of past. Ang drama, para lang sa isang pusa kung ano-ano ang nasasabi ko. Ano'ng magagawa ko? Na-attach s'ya ng sobra sa 'kin eh.

Gusto ko rin ulit magkaroon ng pusa, this time sabi ko yung imported naman. Haha. Para lagi lang s'yang nasa loob ng bahay namin at hindi gumagala kung saan-saan. S'yempre di ko rin makukuha yun ng libre, yung pusang gusto ko nabibili sa halagang 5K. Pambihira, pinakamura pa yun ah. Pero sabi ko wag na lang, hindi kaya ng isang dukhang katulad ko ang mag-alaga ng Persian cat. :(


So, sinubukan ko ulit magpaamo ng ibang pusa. Iba ang isang 'to, mukhang maamo pero parang mas mailap pa sa tigre. Sa ibang tao maamo s'ya pero sa akin hindi. Bakit kaya? Naalala ko eto yung pusang binalibag ko ng tsinelas dahil inaagawan n'ya ng pagkain yung pusa ko dati. Sabi ko sorry na (as if namang naiintindihan n'ya ko). Ayun, minsan bumibisita s'ya sa bahay namin pero di rin nagtatagal. Promise, di ko na s'ya sasaktan uli at aalagaan ko s'yang mabuti. Haay. Sana maging alaga ko din s'ya sa balang araw.

Scary :(


Bagay naman yung kanta di ba? :D

2 comments:

  1. sana naging pusa na lang aq.lol :D

    ReplyDelete
  2. hi. may nakita akong pagala-galang kuting dito samin. Nahuli ko na siya :D sobang hirap niyang hulihin kasi para syang mngangagat. pero ayuun nga, nlagay ko sa isang basket at tinakpan ko para d makatkas. dnt worry, yung basket na maramin butas ung pnaglagyan ko. yung gnagmt pag maglalaba? ayun. lagi ko siyang sinisilip. pag sinisilip ko naggalit :( nawawalan tuloy ako ng pagasa na mapaamo to. dko alam kung paano e. hirap! pano ba mapaamo to?

    ReplyDelete