Badtrip talaga kapag sinusungitan ka, lalo na kung mababaw ang dahilan, mas lalo pa kung wala talagang dahilan. Nakakainis di ba? Pero naisip ko din may dahilan sila kung bakit sila ganon. Baka may problema silang iniisip, o di kaya naalala nila ang taong kinabubwisitan o kinamumuhian nila sa ginawa o itsura mo. Kung babae ito, malamang meron s'yang period ngayon. Pero tignan mo naman ang edad ah, baka menopause na yan.
Maraming masungit na tao. For sure meron ka ding kakilala. Minsan kasi natural na sa isang tao yan, yun bang ala ka pang ginagawa eh bigla ka na lang susungitan. Pag sa opposite sex at ganyan ang kaso, malamang nagpapapansin lang 'yun sa 'yo at gusto ka n'ya. Pero wag maging optimistic, paraan din yan para iparamdam na hindi s'ya interesado sa 'yo.
Sa isang mag-aaral, ang madalas nyang makikitaan ng kasungitan ay ang kanyang teachers or professors. Sigurado akong meron kang naimbentong code name sa kanila, lalo na kung sobra silang terror (common code name). Haha. Naalala ko yung teacher ko nun, kinawayan ko na't ngitian, deadma pa din. :| Ang kasungitan ay sign of aging din. Blame the hormones. :D
Pero umamin ka, nagsusungit ka din naman. Minsan di na rin resonable ang pagsusungit mo. Alam ko rin yung pakiramdam na hindi ka naman dapat magsungit eh nakakapagsungit ka. May tao lang talaga na nakakahuli sa inis mo, na ultimo makita mo lang mukha nya naiirita ka na. << Hindi ibig sabihin n'yan di maganda o kaaya-aya ang itsura n'ya. Di naman ako ganun ka-judgmental. Haha.